‘Kuweba’ ni misis dinaliri ng katoma ni mister

‘Kuweba’ ni misis dinaliri ng katoma ni mister

January 11, 2022 @ 2:42 PM 7 months ago


Bulacan- Arestado ang 31-anyos na lalaking bodegero matapos ipasok ang daliri sa ari ng asawa ng kainuman nito habang natutulo sa bayan ng Balagtas.

Kinilala ang suspek na si Marvic Saballegue, binata, warehouse staff, residente ng Brgy. Pulong Gubat , habang ang biktima ay itinago sa pangalang Nel, 29, ng Brgy. Santol.

Batay sa ulat,naganap ang insidente bandang alas-1 ng madaling araw nitong Linggo, sa bahay ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon, nagkasarapan sa inuman ang kanyang asawa at ang suspek hanggang sa abutin ng hatinggabi sa kanilang bahay.

Nang magkalasingan at dahil sa alanganing oras na ay napagkasunduan ng mag-asawa na sa kanila na lamang patulugin ang suspek.

Sa kasagsagan ng mahimbing na pagtulog ng biktima ay nagising siya nang maramdaman na may pumasok na daliri sa kanyang pagkababae.

Laking gulat niya nang magising at makita ang suspek habang nakapasok ang daliri nito sa kanyang kuweba kaya napasigaw at humingi ito ng saklolo.

Dahil dito, nagising ang kanyang mga kaanak sa lugar hanggang magsumbong sa mga awtoridad kaya nahuli ang suspek kalaunan.

Kasalukuyang nakakulong sa Balagtas police station ang suspek na nahaharap sa kasong rape at nakatakdang sumailalim sa medico legal examination ang biktima. Dick Mirasol III