Kuya at bunso, sinaksak ni utol

Kuya at bunso, sinaksak ni utol

July 2, 2018 @ 4:21 PM 4 years ago


Malabon City – Isang construction worker ang pinaghahanap ng mga pulis matapos nitong pagsasaksakin ang kuya nito at kapatid na bunso kaninang tanghali, July 2.

Si Aaron Niel Avila, 19 at nakakatandang kapatid na si Willy, 26, kapwa naninirahan sa #19 Mendiola St., Brgy. Tonsuya ay parehong inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tinamong saksak sa dibdib.

Agad namang inatasan ni Malabon police chief Sr. Supt. Harry Espela ang kanyang mga tauhan na hanapin at arestuhin ang tumakas na suspek na si Godffrey Abadonio, 25 ng 36 Sitio Balut, sa parehong barangay.

Base sa isinagawang imbestigasyon nina SPO1 Rolando Hernando at PO2 Jose Romeo Germinal II, ang mga biktima ay nag-iinuman sa loob ng kanilang bahay pasado alas-11:30 kaninang tanghali nang biglang dumating ang kaibigan nito na si Egie Dichosa para humingi ng tulong matapos itong bugbugin sa mukha ng suspek nang walang kadahilanan.

Ang mga biktima ay agad lumabas ng bahay at kinompronta ang suspek pero bigla itong bumunot ng patalim at sinaksak sa kanang dibdib.

Tinangka namang pakalmahin ng nakatatandang kapatid pero hindi siya iginalang at agad itong tinarakan din sa kaliwang dibdib at sa likod. (Roger Panizal)