Kuya Boy, dinalaw si Vince, pinag-usapan si Darryl!

Kuya Boy, dinalaw si Vince, pinag-usapan si Darryl!

March 4, 2023 @ 4:33 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Sa unang pagkakataon ay dinalaw ng King of Talk na si Boy Abunda ang humble abode mg controversial writer/director na si Vince Tanada, the man behind the equally controversial movies, Ako si Ninoy and Katips.

Unang pinag-usapan ng dalawa ang common denominator nila sa lugar ng Balic-Balic, Sampaloc Manila where Vince is residing and where Philstagers is located.

According to Kuya Boy, marami raw siyang friends sa lugar na ‘yun kaya lagi siyang pumupunta roon. At ang karamihan sa kanyang mga kababayan sa Samar ay nagpupunta rin sa nasabing lugar sa Manila upang magtrabaho.

Pinag-usapan din ang sinasabing nemesis ni Direk Vince na si Direk Darryl Yap.

Nagkatapat kasi noon ang pelikula nila, ang Maid in Malacanang at Katips. At ngayon naman ay nagmistulang sagot ni Vince ang pelikulang ASN sa pelikula ngayon ni Darryl, ang Martyr or Murderer.

Sinabi ni Vince kay Boy na hindi niya sinasadya na kalabanin ang mga pelikula ni Darryl. Ang Katips daw ay ginawa niya dahil sa misinformation about decaparecidos nu’ng panahon ng Martial Law na kumalat noon at nakita niya sa Twitter. Ang ASN naman ay matagal na niyang naisulat at nailabas bilang stage play at ngayon ay isinapelikula lang niya.

Sinabi rin ni Direk Vince na kahit sinita ng MoM ang character ni Ninoy ay naniniwala pa rin siya sa magandang adhikain at magandang prinsipyo ng yumaong senador.

Binanggit din ni Vince na hindi siya gumagawa ng pelikula para lang tapatan si Darryl.

Sa huli ay sinabi rin naman ni Direk Vince kay Kuya Boy na hindi siya galit kay Darryl.

Ilalabas ang full interview ni Kuya Boy kay Direk Vince sa YouTube channel ng una.

Abangan! JP Ignacio