Kuya Boy, nagpasilip sa mga pasabog na guest lineup!

Kuya Boy, nagpasilip sa mga pasabog na guest lineup!

January 23, 2023 @ 9:17 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Mismong ang binansagang King of Talk na si Boy Abunda ang nagsabing ayaw niyang masira ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng pamunuan ng GMA.

As publicly known, balik-Kapuso si Boy via Fast Talk na magsisimula nang umere ngayong January 23, ganap na 4:05 hanggang 4:25 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Dahil nga sa tiwala ni Atty. Felipe Gozon kung kaya’t ayon sa TV host: “Ayokong maghintay ng grasya. Ako mismo ang tumatawag sa mga manager ng mga artistang ige-guest ko.”

Nagbigay na ng patikim si Boy as to the lineup of guests na aabangan sa unang linggo ng airing ng nasabing programa.

Buena mano ang Primetime Queen na si Marian Rivera who Boy describes as “napakabait” dahil hindi ito nagdalawang-isip na sumalang sa pilot episode ng kanyang show.

Abangan naman sa Martes ang guesting ng celebrity couple na si Glaiza de Castro at David Rainey.

Doon iaanunsyo ng aktres kung kailan ang kanilang kasal this time sa Pilipinas.

Next in line naman ay si Alden Richards na dream subject din ni Boy.

Susundan si Alden ni Bea Alonzo whose manager Shirley Kuan ay personal na “niligawan” ni Boy.

Capping the week is Paolo Contis. Umamin na kaya ang aktor sa relasyon nila ni Yen Santos?

Speaking of Fast Talk, naka-copyright ito kay Boy: “I own it. I created it.”

Bagama’t tatakbo lang ito ng 20 minutes, ipinangako ng host na siksik at malaman ito if not doon lang mapapanood ng mga viewers ang mga never before told stories.

Boy takes pride in fact-checking certain sensitive items bago ihatid sa publiko.

Umaasa si Boy na magiging habit-forming ang pagtutok sa Fast Talk sa kabila ng nakasanayan ng loyal GMA viewers na afternoon block para sa mga teleserye.

Abangan! Ronnie Carrasco III