Kuya Boy, nagsalita na sa hacking issue ng socmed pages ni Liza!

Kuya Boy, nagsalita na sa hacking issue ng socmed pages ni Liza!

February 25, 2023 @ 3:18 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Aktibo nang muli sa social media si Liza Soberano.

Ikinaintriga kasi ng kanyang mga tagahanga ang pagkawala sa Instagram ng kanyang mga lumang posts at larawan.

As a result, lumutang ang sari-saring ispekulasyon na na-hack ito.

Mag mga nagsasabi ring posibleng si Liza na rin ang nagtanggal sa kanyang mga posts tungo sa rebranding ng kanyang career.

Matatandaang iniwan ni Liza ang napakagandang takbo ng kanyang karera sa bansa to pursue her Hollywood dream.

Sa isang episode ng Fast Talk with Boy Abunda, mismong ang host ang nagkumpirma na hindi na-hack ang mga social pages ng aktres.

Hindi rin daw si Liza ang may gawa niyon.

Pero ayon kay Boy, sinuman daw ang taong responsable sa pansamantalang pagkawala ng mga ito’y exciting daw para kay Liza in her image rebranding.

Samantala, ikinalulungkot naman ng dating manager ni Liza na si Ogie Diaz ang tila dumadausdos na karera ng dating alaga.

Pinanghihinayangan ni Ogie ang hirap nilang dalawa ni Liza para maabot ang kinalalagyan nito.

Nasabi rin ni Ogie ang suporta ng ABS-CBN na hindi ipinagkait kay Liza sa pamamagitan ng pag-pitch ng mga angkop na proyekto sa kanilang dalawa ng nobyong si Enrique Gil.

Pero ni isa raw sa mga roon ay tinanggihan ni Liza.

Tinitiyak naman ni Ogie na bukas pa rin daw ang istasyon para kay Liza kung sakaling magdesisyon itong bumalik.

Sa nakikita naman daw ni Ogie ay hinahanap lang ng dating alaga kung saan ito masaya.

As for Boy, nagsasalita siya mula sa punto de vista ng isang manager who believes that Liza is eagerly embarking on a different career direction. Ronnie Carrasco III