Kuya Boy, pinag-iisipang tumakbo sa kongreso!

Kuya Boy, pinag-iisipang tumakbo sa kongreso!

July 7, 2021 @ 11:03 AM 1 year ago


Manila, Philippones – Ni-rule out na ni Boy Abunda ang pagtakbo bilang senador sa 2022 elections.

Aniya, “I don’t have the tenacity. I don’t have the strength. I don’t have the money. I don’t have a national political organization.”

Kung pambansang puwesto raw ang aasintahin niya, kailangan niya ng isang pambansang organisasyon para mangampanya bagama’t ilang beses na raw siyang kinukumbinsi na tumakbong senador, “I need a national organization to run a national campaign.”

If ever daw ay hindi niya isinasara ang kanyang pintuan sa Kongreso, lalo pa’t napaisip siya noong banggitin ito ng kanyang nakatatandang kapatid na incumbent Congresswoman ng Eastern Samar.

Sa public service daw nalinya ang kanyang pamilya.

Pero iba ang mindset ng tinaguriang Asia’s King of Talk, “You fight to win. You set out to war to win, you don’t just display your speaking prowess.”

Mas may dahilan daw na subukan niyang tumakbo sa Kongreso pagkatapos maipasara ang ABS-CBN noong isang taon. Pag-amin niya, “I was very emotional. I was angry.” Ronnie Carrasco III