Kuya Ipe at Sen. Bong, muntik nang madisgrasya sa eroplano!

Kuya Ipe at Sen. Bong, muntik nang madisgrasya sa eroplano!

January 19, 2023 @ 9:20 AM 2 weeks ago


Camiguin, Philippines – Kasama ni Sen. Bong Go ang kanyang matalik na kaibigan at ang action star na si Phillip Salvador nang nagkaroon nang aberya ang kanilang sinakyang eroplano sa paghahatid ng tulong sa mga kababayang binaha at nangangailangan.

Kasabay ng pamahagi ng ayuda ay ang paglulunsad ng ika-154 na Malasakit Center sa Camiguin General Provincial Hospital.

Kahit nagkaroon ng problema ang sinakyang eroplano ay nagpatuloy pa rin sina Sen. Bong at Kuya Ipe na nagpunta pa sa ceremonial groundbreaking  ng Mambajao Super Health Center sa Camiguin.

FYI, ang nangyaring aberya sa eroplano ay ang pangalawang pagkakataon na muntik na ring madisgrasya sina Sen. Bong at Kuya Ipe na noon ay patungo naman sa Isabela city Basilan nang  sumubsob ang sinakyan nilang helicopter bago pasinayaan ang isang Malasakit Center. JP Ignacio