Kuya Kim, kinuyog sa monkeypox issue!

Kuya Kim, kinuyog sa monkeypox issue!

August 1, 2022 @ 2:06 PM 1 week ago


Manila, Philippines – “Back to you Kuya Kim!”

‘Yan ang biru-biruan ngayon ng netizens matapos ang pagkadismaya ng mga ito sa tweet ni Kuya Kim Atienza.

Like the usual thing Kuya Kim does, nagbigay lang naman ito ng kaalaman about monkeypox na naging usap-usapan ng mga tao matapos maitala ang kauna-unahang kaso sa Pilipinas.

“Chicken pox is less severe and the virus is airborne. Monkey pox is sexually transmitted, usually M to M,” deretsahang sagot ni Kuya Kim sa isang tanong ng netizen sa kanya sa Twitter.

Dinumog naman agad ito ng netizens at tinambakan ng batikos ang host lalo’t they found what he said homophobic.

Dahil dito, mukhang ekis na bigla si Kuya Kim sa netizens. Nabatikos nga maging ang pagiging weather anchor nito at ikinumpara pa nga kay Ariel Rojas.

As of press writing, wala pa namang sagot si Kuya Kim upang humingi ng tawad o magpaliwanag tungkol sa kaniyang nasabi. Paula Jonabelle Ignacio