Kuya patay sa boga ng utol         

Kuya patay sa boga ng utol         

October 4, 2022 @ 1:26 PM 2 months ago


QUEZON- Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng sarili nitong kapatid dahil sa away sa hatian ng lupa nitong Huwebes sa bayan ng San Francisco.

Kinilala ang biktimang si Michael Yare, 39-anyos, habang nadakip naman ang suspek at nakababatang kapatid nitong si Melencio, kapwa residente sa Barangay Don Juan Vercelos, ng nasabing bayan.

Batay sa report ng pulisya, pauwi na sana ang biktima kasama ang kanyang anak galing sa panghuhuli ng ibon at hipon.

Hindi inakala ng biktima na inaabangan na pala siya Michael at pinagbabaril sa tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Matapos ang krimen tumakas ang suspek subalit kalaunan ay nadakip rin ng mga awtoridad sa ginawang manhunt operation.

Ayon sa kaanak matagal ng may hidwaan ang magkapatid dahil sa hatian sa lupa at kanilang mga pananim.

Nahaharap ngayon sa kasong pagpatay si Michael. Mary Anne Sapico