Kuya Wil, lalayasan daw ang GMA7, babalik sa 2?

Kuya Wil, lalayasan daw ang GMA7, babalik sa 2?

February 6, 2022 @ 9:11 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Maugong ang usap-usapan na may posiblidad na umalis si Willie Revillame sa GMA.

Si Willie at ang kanyang Wowowin: Tutok to Win ay napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa nasabing istasyon.

Ilang taon nang umeere ang Wowowin sa GMA makaraang manggaling muna sa ABS-CBN and later sa TV5.

Ang tanong ng marami: kung sakaling matutuloy ang pag-alis ni Willie sa GMA ay saan naman kaya siya mapapadpad as well as his daily program?

Alam ng lahat na kamakailan ay naipagkloob kay Manny Villar ang ABS-CBN frequency na Advanced Media Broadcasting Systems.

Balitang magkakaroon ito ng test run ngayong February 14.

Sa huling episode ng Wowowin ay kinunan ito sa Tagaytay, pero makahulugan ang sinabi ni Willie na sana raw ay makabalik sila sa GMA Studios.

Kilalang matalik na magkaibigan sina Villar at Willie. Sa katunayan, major sponsor ang mga Villar ng Wowowin.

May panahon din noon na kinuhang co-host ni Wliie ang anak ng mag-asawang Manny at Cynthia na si Camille.

At kung aarangkada nga ang AMBS ng mga Villar, hindi imposibleng kunin nila si Willie  at ang Wowowin nito.

After all, it’s not about the station kundi ang maitutulong ng programa para sa ikaaangat ng buhay ng mga Pilipino.

Samantala, naglabas na rin ng pahayag ang GMA 7 itong weekend sa nasabing balitang matatapos na ang contract ni Willie Revillame sa GMA network se February 15, 2021.

Nilinaw ng GMA na ang show na ‘Wowowin’ ay eere hanggang Biyernes, February 11.

“We wish him  good luck in his future endeavors,” sabi naman ng statement ng GMA network.

Malakas ang bulung-bulungan na lilipat si Kuya Wil sa bagong network ni Manny Villar na Advance Media Network na nakakuha ng franchise ng dating ABS-CBN. Ronnie Carrasco III