Kuya Wil, masama ang loob kay Hipon Girl!

Kuya Wil, masama ang loob kay Hipon Girl!

September 10, 2022 @ 8:10 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasa proseso na si Willie Revillame ng paghahanap sa mga magiging co- hosts niya sa nagbabalik na Wowowin sa AllTV.

Pero kung inaakala ng marami ay um-oo na sa kanya ang dating co-host na si Herlene Budol ay nagkakamali kayo.

Totoo raw na um-attend pa raw ng meeting ang binansagang Hipon Girl kamakailan only to sign up with GMA the next day.

Dahil dito’y masamang masama ang loob ng TV host na siyang nagbukas ng pintuan ng oportunidad kay Herlene.

Bale ba, kumakalat tuloy ang tsikang nagpataas lang daw ng presyo si Herlene.

Sa darating na September 13 na magsisimulang mag-full blast ang Villar-owned network.

Ilan sa mga kumpirmado nang talents nito’y ang mag-asawang Toni Gonzaga at direk Paul Soriano, Anthony Taberna, Mariel Rodriguez at mga personalidad na ani Willie ay ikagugulat ng publiko.

Ang latest na umanib din sa nasabing network na may slogan na “Sama all, saya all” ay si Ciara Sotto.

Samantala, dumepensa naman ang manager ni Herlene na si Wilbert Tolentino sa gitna ng mga intriga sa kanyang alaga.

Kesyo marami na raw resteictions sa pagkuha ng serbisyo nito as in maraming prosesong pinagdadaanan.

Katwiran ni Wilbert, tungkulin daw niyang pangalagaan si Herlene.

Balitang isang drama series ang inihahanda ng GMA para kay Herlene kung saan ang napupusuan maging leading man niya’y mula sa ABS-CBN.

Dahil matangkad daw si Herlene ay kailangang humanap ng babagay sa kanyang height. Ronnie Carrasco III