Kuya Wil, nag-show mag-isa!

Kuya Wil, nag-show mag-isa!

January 11, 2022 @ 10:46 AM 7 months ago


Quezon City, Philippines – Nag-live telecast mag-isa si Willie nu’ng Lunes, January 10, mula sa isang hotel sa Tagaytay.

Sinolo na lang muna n’ya ang show para mas madali itong mai-present sa viewers.

Aniya ay kinailangang mag-advance siya ng P1 million para makapag-set up ng satellite facilities sa hotel na ‘yon sa Tagaytay para mai-broadcast ng GMA 7 nang live ang show sa buong mundo.

Masigla at masayang episode ang naitanghal ni  Willie kahit mag-isa lang siya.

Last week ay puro replay ang ipinalabas. At ‘yon ay hindi dahil bumalik sa Mindanao si Willie para ipagpatuloy ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong si Odette. Sa Mindanao na nga siya nag-Pasko at bumalik siya sa Metro Manila bago mag-New Year.

Ang totoong dahilan  kung bakit nag-replay ang Wowowin ay na-COVID ang ilan sa staff ng show, kabilang na ang personal make-up artist ng TV host. Danny Vibas