Kuya Wil, nakapagdesisyon na!

Kuya Wil, nakapagdesisyon na!

July 16, 2021 @ 7:52 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nitong July 13, Martes, ay inanunsyo ni Willie Revllame sa programa niyang Wowowin na abangan daw sa darating na Agosto ang malaking announcement niya.

“Basta abangan n’yo ‘yan. At sana maintindihan n’yo ako,” may pakiusap na pasakalye ni Willie, na bagama’t hindi niya tinumbok kung ano ‘yon ay obyus namang may kinalaman ‘yon sa pagpayag niyang pasukin ang pulitika.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang humihimok sa kanya na pumasok sa larangan ng pulitika. Hanga si PRRD sa ginagawang pagtulong ng TV host sa ating mga kababayan.

At kung hindi ba naman politically related ang pasakalye ni Willie ay paano maipaliliwanag ang sinabi niyang, “Hindi ako magpapatawa sa Senado. Hindi kami magkekenkoyan doon. Gagawa kami ng paraan. Gagawa kami ng batas.”

Matatandaang humingi ng palugit si Willie para makapag-isip, at ito na nga marahil ang resulta ng malalim niyang pagmuni-muni.

Paglilinaw pa niya kung sakali, “Hindi ako gagawa ng kawalanghiyaan. Huwag n’yong laitin ang mga artista. Malinis ang puso namin.”

Having said that, kailangan pa bang hintayin ang Agosto para sa big announcement ni Willie? Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •