Kuya Wil, siguradong tatakbo sa senado!

Kuya Wil, siguradong tatakbo sa senado!

July 21, 2021 @ 2:49 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagbunga rin sa wakas ang pangungumbinsi kay Willie Revillame na bigyan ng chance ang pulitika.

Iniulat namin dito sa Remate Online na magkakaroon ng malaking announcement ang TV host sa darating na Agosto na gagawin niya mismo sa Wowowin.

Wala mang binaggit na clue ay ipinapalagay ng marami na may kinalaman ‘yon sa pagtakbo niya sa eleksyon sa susunod na taon. Hindi kaila na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang kmukumbinsi sa kanya dahil hanga ito sa mga gawain ng TV host para tulungan ang mga higit na nangangailangan.

And now it can be told: sa Senado tatakbo si Willie na balitang halos inaaraw-araw ng kampo ni PRRD, mapapayag lang.

Balitang nasa senatorial slate siya ng adnministrasyon.

Samantal, sina Raffy Tulfo at Robin Padilla ang dalawa pang sinusuyo sa nasabing puwesto.

Ayon sa manager ni Raffy na si Ogie Diaz ay malabo raw kagatin ng brodkaster ang alok. Pinag-iisipan naman ni Robin kung tatakbo siya o hindi dahil minsan na raw itong natalo noong kumandidato sa Nueva Ecija. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •