Kuya Wil, umiskor ng bahay sa Las Vegas!

Kuya Wil, umiskor ng bahay sa Las Vegas!

December 23, 2022 @ 5:30 PM 1 month ago


Las Vegas, Nevada – Isa na namang property ang nadagdag sa humahabang listahan ng pag-aaring real estate ni Willie Revillame.

Alam ng lahat na may malawak siyang resthouse sa Tagaytay Highlands.

Puwera pa rito ang ipinatayo niyang hotel roon pero hindi pa nagbubukas para sa mga local at foreign tourists.

Lalayo pa ba tayo? Ang Wil Tower sits on a sprawling lot na nabili niya noon sa mga may-ari ng ABS-CBN.

Iyon din ang ginamit niyang studio para sa programa niyang Wowowin.

Ang latest, the AllTV host has just acquired a property in Las Vegas.

Nabili raw niya ito mula sa isang banyaga na nalugi ang negosyo.

Kaso nga lang, some renovation needs to be done.

Balitang sa pagpapaayos pa lang nito’y kailangang niyang gumastos ng P112 million.

Hindi binanggit ni Willie how much he bought the property.

Malamang na curious ang marami na of all places sa Amerika ay sa Las Vegas, Nevada mas piniling bumili ng property si Willie.

Marami namang puwedeng pagpilian sa New York, San Francisco at sa iba pang lugar na magaganda rin naman at prime lot pa.

Katwiran ni Willie, marami raw siyang mga kaibigan sa Las Vegas.

Noong hindi pa raw siya gaanong sikat, madalas siyang kupkupin doon ng kanyang mga kaibigan.

Kumbaga, Las Vegas is what he considers his second home, if not home away from home.

By staying nga naman in Las Vegas ay lalo siyang mapapalapit sa mga kaibigang pinagkakautangan niya ng loob.

Samantala, ipinangako ni Willie na by March 2023 na magpu-full blast ang Villar-owned AllTV.

Marami pa raw kasing dapat asikasuhin to achieve a wider reach across the country. Ronnie Carrasco III