Kuya Will, may mensahe sa mga kritiko; Ogie, may resbak!

Kuya Will, may mensahe sa mga kritiko; Ogie, may resbak!

September 22, 2022 @ 7:55 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Obyus na hindi nagustuhan ni Willie Revillame ang mga namintas tungkol sa may diperensyang audio system sa soft launch ng AllTV kamakailan.

Ani Willie, hindi na raw dapat ginagawang isyu ang naturang technical problem.

Sa halip daw ay mas dapat tingnan ng mga kritiko ang maraming taong nabigyan ng trabaho sa pagbubukas ng Villar-owned network.

Si Willie ang nagsisilbing consultant ng AllTV. Nilinaw niyang wala siyang inilagak na investment doon.

Agad namang nag-react ang talent manager cum vlogger na si Ogie Diaz sa tinuran ni Willie.

Anito, kung kapuri-puri ay bakit hindi nila ‘yon pupurihin? In the same way na kung may palpak din ay hindi makakaligtas sa mga kritiko.

Dapat daw sa mga ganitong kritisismo ay constructive ang pagtanggap ni Willie.

Production value naman daw ang iniisyu rito, hindi ang mga taong tinutulungan ng bagong istasyon.

Dagdag pa ni Ogie, for someone like Willie na bumilang na nang ilang dekada sa industriya, dapat ay sanay na ito sa mga pagpuna.

Excited pa nga raw si Ogie sa pagpu-full blast ng bagong istasyon sa October 1 dahil marami sa kanyang mga kaibigan sa ABS-CBN ay lumipat na doon.

Sa bandang huli, nagbitiw si Ogie ng salita para kay Willie: “Huwag ka nang magalit.”

Oo nga naman, having stayed this long on TV, naninibago pa ba si Willie sa mga namumuna? Ronnie Carrasco III