Kuya Will, present sa kasal ni Glaiza, iniintrigang sinusulot sa Kapuso!

Kuya Will, present sa kasal ni Glaiza, iniintrigang sinusulot sa Kapuso!

January 24, 2023 @ 1:09 PM 1 week ago


Zambales, Philippines – Nababahiran ng intriga ang pagtayo bilang ninong ni Willie Revillame sa kasal ni Glaiza de Castro nitong Lunes, January 23.

For the second time, ikinasal ang Kapuso actress sa kanyang Irish partner na si David Rainey sa Zambales.

Una na silang pinagbuklod in an intimate ceremony in Northern Ireland in October 2021.

Nauna na ring binigyan ni Angelica Panganiban ng bridal shower si Glaiza, na masasabing ironic since the first is yet to be married to Gregg Homan.

Anyway, ayon sa mga nakasaksi ng beach wedding nina Glaiza at David ay mala-diyosa raw ang aktres in her wedding gown.

Sandamakmak rin daw ang mga dumalong celebrities na hindi inalintana ang layo ng Zambales.

Bukod sa godfather na si Kuya Will, ninang naman ang GMA executive na si Atty. Anette Gozon-Valdes.

Understandable daw kung isa sa mga ninang si Ms. Valdes since taga-GMA naman ang bride.

Nasisilipan tuloy ng intriga ang pagkuha kay Willie in the sense na hindi na nga naman ito identified sa home network ni Glaiza.

Hirit ng mga ayaw pakabog na Marites, hindi raw kaya “foreboding” ang presensya ni Willie sa kasal?

May plano raw ba itong sulutin si Glaiza sa GMA para mapabilang sa AllTV kung saan mataas ang posisyon niya?

Pero assuming man na may ganoong balak si Willie, the question is: magpasulot naman kaya si Glaiza?

Glaiza was last seen on GMA’s Running Man Ph.

Sa ngayon, hindi pa tiyak kung saang show siya muling mapapanood, dahil as it is now ay mukhang gusto muna niyang namnamin ang pagiging Mrs. Rainey. Ronnie Carrasco III