Kwalipikadong minors na may fully vaxxed guardians papayagang bumiyahe ng CebPac

Kwalipikadong minors na may fully vaxxed guardians papayagang bumiyahe ng CebPac

January 17, 2022 @ 7:36 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Nilinaw ng budget carrier Cebu Pacific nitong Lunes na papayagan lamang na bumiyahe ang mga menor-de-edad na hindi pa bakunado laban sa coronavirus disease (COVID-19) kung sila ay returning residents at may kasamang fully vaccinated adult.

Batay sa abiso ng Cebu Pacific, iginiit nito na susunod ito sa polisiya ng Department of Transportation (DOTr) na ‘No Vaccination, No Ride’ na kasalukuyang umiiral sa National Capital Region sa ilalim ng Alert Level 3.

“Unvaccinated and partially vaccinated minors (below 18 years old) may be allowed to travel if they are returning residents and accompanied by a fully vaccinated adult. Proof of residency must be presented along with existing LGU requirements, if any,” base sa abiso.

“CEB will continue to screen and validate passengers prior to acceptance for the flight. Passengers are advised to ensure requirements are complete before proceeding to the airport,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng polisiya ng DOTr, limitado ang public transportation sa fully vaccinated individuals. RNT/SA