Kwarantin kinalos na ng Singapore para sa fully vaxxed

Kwarantin kinalos na ng Singapore para sa fully vaxxed

March 25, 2022 @ 11:49 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Aalisin na ng Singapore ang mga ikinasang restriskyon sa lahat ng mga fully vaccinated na byahero laban sa COVID-19, sa  susunod na linggo.

Tinawag naman ni Prime Minister Lee Hsien Loong na ang hakbang ay isang pangunahing milestone kung saan noong nakaraang buwan nang simula ng estado na hindi na magpatupad ng kwarantin para sa mga byahero na galing sa ilang mga bansa.

Mula Abril 1 naman, lahat na ng mga fully vaccinated individual ay papayagan nang makapasok ng Singapore nang walang kwarantin,  basta’t kumuha sila ng pre-departure test, dagdag ng mga opisyal.

“It will give a much-needed boost to businesses, particularly the tourism sector, and it will help Singapore reclaim its position as a business and aviation hub,” anang Punong Ministro. RNT