Kwento at kaganapan sa World War ll ipinasasama na sa education curriculum

Kwento at kaganapan sa World War ll ipinasasama na sa education curriculum

November 9, 2022 @ 4:24 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pasado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang House Bill 5719 o panukalang isama sa higher education curriculum ang kumprehensibong pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas noong panahon ng World War II (WW2).

Sa ilalim ng panukala ay aatasan ang Commission on Education (CHED) at ang Philippine Veterans Affairs Office-Department of National Defense na bumalangkas ng programa upang maisama ang WW ll stories sa matutunan ng mga estudyante.

Layunin nito na mapanatili ang kuwento ng paghihirap at kabayanihan ng mga sundalong Filipino noong World War II kung saan napagtagumpayan ng bansa ang pananakop ng mga Hapon at nagbigay-daan para sa kasarinlan ng bansa.

Kumpiyansa ang mga mambabatas na kung ang kwento ng WWll ay ibabahagi sa mga estudyante ay isa itong paraan para buhayin ang pagiging makabayan ng bawat isa. Gail Mendoza