KWENTONG JOURNALISTA

KWENTONG JOURNALISTA

May 2, 2022 @ 8:59 PM 2 months ago


CONGRATULATIONS sa mga nag-organisa ng World Journalist Conference 2022 na ginanap nitong April 25-26, 2022.  Sa pangunguna ng Journalist Association of Korea (JAK) at suporta ng Asian Journalists Association (AJA), mahigit 54 bansa ang kinatawan ng halos 70 na delegado sa komperensya.

Dahil sa pandemic pa rin, sa ikatlong pagkaka­taon ay online ang conference, at sa Seoul, South Korea pa rin naka-base ang mga main host at organizer.

Napakahalaga ng mga tema ng komperensya. Sa unang araw, pinag-usapan ang “Status of Fact Checking by Global Journalism” (Kalagayan ng Fact-Checking sa Journalismo sa Buong Mundo) at ang “Operations of Media Self-Re­gulatory Organizations” (Pagpapatupad ng Sari­ling Regulasyon ng mga Media Organization).   Sa ikalawang araw naman, umikot ang kwentuhan namin sa “Society Changed by Journalism” (Lipunang Binabago ng Journalismo).

Akmang-akma at napapanahon talaga ang mga presentasyon at talumpati ng mga kalahok.

Siyempre, inspirasyon ng marami sa amin ang dalawang journalists na tumanggap ng Nobel Peace Price noong isang taon – sila Ma­ria Ressa at Dmitri Muratov.

Dahil nga sa lumalapad na papel ng social media at internet sa po­pular na komunikasyon, lahat ay pwede nang gumawa ng kwento, istorya o “content”. Pero dapat ay alam natin kung ano ang balita at ano naman ang kwento.

Meron mga pamanta­yan ang journalismo kung ano ang balita o “news”.

Dapat ay totoo at beripikado.

At merong editorial rebyu kung sa­an  sinusukat kung ang balita ay makatotohanan, sensitibo, etikal at karapat-dapat na ilabas sa publiko.

Samantala, sa intenet o social media kahit sino ay pwedeng maglabas ng kwento o opinion.

Walang beripikasyon, walang kontrol, walang rebyu. At dito merong banta na pwedeng maging peke ang isang balita, o kasinungalingan pa nga kung minsan.

Ito ang hamon na gustong tugunan ng WJC2022, kung paano mas maging mahusay na reporters at journalists sa mundong mas mai­ngay at mas malawak ang naabot ng social me­dia, kaysa sa tradisyunal na daluyan ng ba­lita at journalismo tulad ng radyo, tv at diaryo.

Maraming salamat muli sa JAK at AJA, sa pagbibigay ng napakagandang pag­kakataon para magtulungan at kumonekta sa isa’t isa ang mga journalist sa buong mundo.