Kwentong nag-uulyanin!

Kwentong nag-uulyanin!

August 9, 2018 @ 1:50 PM 4 years ago


 

Ang balana, dabarkads, madlang pipol pati na ang beautiful showbiz denizens ang universe ay ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas dahil nga ika-labing apat na taon na ang Cinemalaya, ang pinaka-bonggang film festival para sa independent films.

Sa buong CCP, may communal spirit at familial vibe. ‘Pag maganda ang pelikulang katatapos lang panoorin, dumadagundong, mainit at maigting ang palakpakan.

Cinemalaya makes one fall in love with Filino films at sa napanood kong Mamang at Distance, masasabi kong mas lalong umigting ang pagmamahal ko sa mga dekalidad at matitinong pelikulang Pilipino.

Parehong kwento tungkol sa pamilya ang Mamang at Distance.

Ang Mamang ay tungkol sa isang matandang babaeng nag-uulyanin na, bugnutin, malungkot at ang ang tanging kaligayahan at kakampi ay nag-iisa niyang anak na si Ferdie.

Habang lumalala ang kanyang pagiging ulyanin, may nakikita siyang mga kakaibang nilalang, ang isang matakaw na sundalong hapon at ang namayapa niyang asawa, hindi lang may aparisyon, nagpaparamdam talaga.

Bumabalik ang nakalipas na di na dapat balikan, ang pighati, pangungulila, ligaya at sangrekwang luha.

Hindi sapat ang mga pang-uring mahusay at magaling para ilarawan ang husay sa pagganap ni Ms. Celeste Legaspi.

Bilang Mamang, walang make up ang grand dame, wala siyang takot na ipakita ang kanyang mga kulubot at gitla.

Ang mas hindi niya kinatakutan, ang pagpapakita at pagpaparamdan ng mga tunay emosyon, ang pagkainis sa pagiging ulyanin, ang lungkot sa katotohanang ang kanyang buhay, patakipsilim na, ang sakit na kahit matagal na ang panahon, hindi pa rin nabubura, ang isang dakilang pagmamahal na hindi makakalimutan at ang si Ferdie, si Ketchup Eusebio na kay husay rin.

Sobrang yin at yang si Ms. Celeste at Eusebio, in sync, swak na swak, sabay na binigyang buhay ang kanilang mga pambihirang katauhan bilang sina Mamang at Ferdie.

Yung eksenang ang mag-ina ay nagsasayaw at biglang sasambulat ang katotohanan, iba ang haplos sa puso, sa damdamin.

Mamang makes one realize why mothers are God’s best gift to their children.

Bravo to team Mamang! Ms. Celeste Legaspi at Ketchup Eusebio, masyado niyang ginalingan.

 

***

Kung ang Mamang ay tungkol sa relasyong ina at anak na lalaki, ang Distance tungkol sa relasyong ina at mga anak na babae.

Kung paano inilahad ang relasyong ito sa Distance, yun ang makapunit puso at makatulo uhog.

Sabi ko nga direk Perci Intalan na niyakap ko pa dahil nga tuwang-tuwa ako sa pelikula, “Finally, a lesbian themed movie na nagustuhan ko.”

Iba ang emotional commitment at truthfulness na pinuhunan nina Iza Calzado, Nonie Buencamino, Therese Malvar at Alessandra Malonzo.

Si Iza bilang nanay na mas pinili at pinaboran ang kakaibang pagmamahalan, iba ang kanyang pagyakap sa katotohanan. Hers is a performance that is so subtle, nuanced, no hysteria, just truthful to the calling and passion of her character.

Bilang nanay na nahihirapang maka-reconnect sa kanyang mga anak na iniwan, Calzado was on point. nagugulumihanan, hirap, pero gustong makabawi.

Si Buencamino, ang kanyang katauhan ay dakilang magmahal. Malalim ang pang-unawa. Malala ang pag-ibig sa kanyang minamahal.

Si Malvar. mapangahas, matapang, maigting. May isang eksena si Therese na pusong-puso, tunay na tunay ang damdamin, ramdam mo sa kaibuturan niya bilang anak na iniwan ang sakit at hinampo sa nanay niyang may ibang minamahal.

One long, so painful to watch scene na sa sobrang totoo, it ended with a sorry that sounded defiant at first, then it became so agonizing, so difficult to bear and witness.

At sa true lang, Nonie Buencamino, lalo na ang katauhan niya, ibang klase. Durog na durog ang puso ko sa eksenang nakaupo siya sa kuarto at mag-isang umiiyak at yung eksena nila ni Calzado, yung sa napatawa na lang siya bilang huling defense sa pagtanggap na ang dating asawa ay kaibigan na lang pero mahal na mahal nya pa rin. Juice colored! Kay husay-husay.

In Distance, we get to realize that there is no such thing as a perfect family, the struggles are real but when love is still there and respect, we can still make it work.

All forms of relationship need work, most especially the ones that involved your kin, kindered spirit, loved ones and one true love. – As if ni Alwin Ignacio