KWF bubuo ng panel na bubusisi sa ‘subversive’ books

KWF bubuo ng panel na bubusisi sa ‘subversive’ books

August 20, 2022 @ 11:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Bubuo ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ng ad hoc review committee upang suriin ang laman ng limang aklat na natukoy ng komiyon bilang “subversive”.

Ayon sa ulat, sinabi ni KWF Chief Arthur Cassanova na kabilang sa mga miyembro ng review panel ang mga manunulat, kinatawan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), at KWF commissioners.

Inaasahang makukumpleto ito bago matapos ang buwan.

Ilang grupo at mga mambabatas ang nauna nang nanawagan na ibasura ang KWF memorandum na nagbabawal sa paglalathala at distribusyon ng ilang libro na umano’y “political, subversive and with ideologies that can be considered anti-government”. RNT/SA