Kyle Echarri, todo-chat kay Chie Filomeno!

Kyle Echarri, todo-chat kay Chie Filomeno!

December 11, 2021 @ 11:21 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Matapos mapalabas ng Pinoy Big Brother House, mukhang may itutuloy sa outside world ang former housemates na sina Kyle Echarri at Chie Filomeno.

Bukod kasi sa dumami ang following ng dalawa sa kanilang social media accounts, specifically on Instagram, dahil sa kanilang closeness sa loob ng bahay, mukhang gagawa ang dalawa ng bagong kakikiligan ng netizens.

KyChie na ba this?

Sa isang interview nga ni Chie sa It’s Showtime, inamin nitong si Kyle ang pinakanami-miss niyang housemate dahil na rin sa bond nila when they were still inside the house.

“Kasi iba talaga ‘yung bond na na-build namin sa loob. We really understand each other,” pagbabahagi ni Filomeno.

Bukod dito, may revelation ang aktres. Pinapadalhan pala siya ni Echarri ng DM sa IG bago pa man sila pumasok ng bahay pero never niyang pinansin.

Haba ng hair, Chie ah!

Lalo naman itong kinabwisit ng KyCine fans lalo’t almost cancelled na nga si Kyle sa kanila dahil sa hindi nila nagustuhang asal nito sa loob ng PBB house na ayon sa kanila ay disrespectful sa on screen partner nito na si Francine Diaz.

Ano na kaya ang mangyayari? Bagong loveteam na ba this? Bye bye KyCine na talaga? Hmm. Baka magka-project sila together. Let’s see. Paula Jonabelle Ignacio