Kylie, bagong pantasya ng bayan!

Kylie, bagong pantasya ng bayan!

November 24, 2022 @ 5:29 PM 2 days ago


Manila, Philippines – Ang beauty queen at award-winning actress na si Kylie Verzosa ang napili na Tanduay calendar girl para sa taong 2023.

Ayon kay Kylie, si Boss Vic del Rosario daw ang nag-abiso sa kanya. Tulad daw ng ibang kababaihan, pangarap din niya ang maging calendar girl.

Honored din daw siya na makasama sa liga ng empowered women at nakaraang calendar girls ng Tanduay.

“It feels surreal to become a Tanduay Calendar Girl, especially if you consider all the strong and beautiful women who came before me like Heart Evangelista, KC Concepcion, and Bea Alonzo. It feels great to be in their company,” ani Kylie.

Hirit pa niya, pinaghandaan daw niya ang shoot ng kanyang pictorial na kinunan pa ang pamosong si BJ Pascual.

“I really prepared for the shoot. I ran, did boxing and workouts. I did pilates, yoga, sauna. Nag-diet ako. Since I’m a pescatarian, I’m on a vegetable diet. I don’t eat chicken or pork,”pagbabahagi niya.

Very ecstatic din siya dahil sa last quarter ng taon ay sunod-sunod ang pagdating ng blessings sa kanya.

Isa na rito ang pagkapanalo niya ng Actress of the Year award sa Distinctive International Arab Festival Awards (DIAF) sa Dubai kamakailan.

“I really feel so blessed na tuloy-tuloy iyong blessings. I really feel so grateful sa mga nangyayari sa akin. That you reap the fruits of your labor,” aniya.

Hirit pa niya, hindi pa rin daw nagsi-sink sa kanya hanggang ngayon na nanalo siya ng international acting award for “The Housemaid.”

“Sobra siyang nakakataba ng puso. Actually, hindi pa siya nagsi-sink in sa akin. Noong nalaman ko, tinanong ko kung sure sila. Sampu kasi iyong nakasama sa shortlist and I’m glad na ang The Housemaid iyong nanalo,” paliwanag ni Kylie. Archie Liao