Kylie, bet makita ang puwet ni Marco!

Kylie, bet makita ang puwet ni Marco!

August 3, 2022 @ 9:27 AM 1 week ago


Manila, Philippines- Hindi pa man nasisimulan ang shooting ng Baby Boy, Baby Girl, ay inuurot na ni Kylie  ersoza ang kanyang makakatambal sa pelikula na si Marco Gumabao na ituloy ang butt exposure. Isa kasi ito sa napagusapan sa storycon ng pelikula ni direk Jason Paul Laxamana.

Kung matatandaan ay isang beses pa lang nagpakita ng puwet si Marco sa big screen sa pelikulang Just a Stranger.

“Honestly, kung hihingin ni direk Jason ang butt exposure ni Marco sa movie, ipu-push ko na rin ‘yan. Baka mas ma-enjoy niyo,” nakangiting sabi ni Kylie.

Sinagot naman ito ni Marco ng depende if magpapakita siya ng puwet, “Kung kailangan talaga for me, gagawin ko. Pero hndi naman kasi for every project, kailangang mas higitan pa ang pinakita before. Kung in terms of acting, yes, ‘yun sana ang dapat higitan.”

Dahil sa kakaibang sweetness nina Kylie at Marco ay tinukso tuloy silang dalawa since pareho naman silang single and available.

“We’ve been friends ni Marco for how many years pero super focused lang ako sa work now and hindi pa ako ready for a new relationship, not now,” sabi pa ni Kylie.

Ang huling boyfriend niya ay si Jake Cuenca at hindi naging maganda ang kanilang splitup.

Gaya ni Kylie ay nakatutok din sa career si Marco.

“6 projects na ang pinagsamahan namin ni Kylie, and laging mag-ex ang role namin pero hndi pa nagiging kami, mag ex na kami. “Sobrang close kami ni Kylie. Very hot si Kykir pero career muna,” sangga naman ni Marco.

Sa August 7 na ang lock-in shooting ng Baby Boy, Baby Girl na thmatalakay sa mga sugar babies at sa mga sugar daddies and mommies. Ito ay produced ng Viva Films. JP Ignacio