Kylie, ibinuking ang hiwalayang Max at Pancho!

Kylie, ibinuking ang hiwalayang Max at Pancho!

July 8, 2022 @ 4:00 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Mukhang hindi na kailangan pang kumpirmahin either ni Max Collins or Pancho Magno na hiwalay na talaga sila.

Para na rin kasing inamin na hiwalay na sila with the recent birthday celebration of their only child na si Skye Anakin.

Skye just turned two recently.

Sa Hotel Okura sa Resorts World Manila ang party na dinaluhan lang ng kanyang ina and select friends tulad nina Rhian Ramos at Michelle Dy.

Kung matatandaan, sa first birthday ni Skye ay may sariling pa-party si Max.

Separate ito sa party na si Pancho naman ang punong abala.

Inaantabayanan kung sa bahay uli ni Pancho gagawin ang selebrasyon para sa anak.

Sa ngayon, neither Max nor Pancho has confirmed or denied tungkol sa estado nila bilang mag-asawa.

It took Kylie Padilla to say na hiwalay na nga sila.

Nadulas ang bibig ni Kylie sa isang interview when asked who she considers her closest showbiz friend.

Aniya, si Max daw dahil pareho rin sila ng naging kapalaran: nagpakasal, nagkaanak at nahiwalay rin sa asawa.

Bingo! Ronnie Carrasco III