Kylie may cryptic message sa IG: I regret having you as a memory

Kylie may cryptic message sa IG: I regret having you as a memory

January 18, 2022 @ 9:45 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Palaisipan sa maraming netizens kung sino ang pinatatamaan ni Kylie Padilla sa kanyang Instagram account.

Patungkol ‘yon sa isang taong may “closed mentality” o sarado ang pag-iisip.

Dagdag pa ng anak ni Robinn Padillla, she regrets having met that person.

Nilakipan ni Kylie ng picture ng sunset ang kanyang cryptic post which reads:

“Your lack of empathy reflects on you, not me. I just have to remember, my worth is not based on your closed mentality.

“I let it go, I set myself free.

“I don’t believe in regrets, But I regret having you as a memory.”

May initials ang post ng “knp” o kylie nicole padilla.

Sinundan pa niya ito ng quote card on the boundaries set by a person.

Quoting Angelie Jolie, “Be careful with how much you tolerate. You are teaching them how to treat you.”

Minsan nang idinaan ni Kylie sa mga cryptic messages ang kanyang mga saloobin noong nagkakaproblema sila ni Aljur Abrenica.

Which brings us to the intriguing question: patama ba kay Aljur ang pagkakaroon ng saradong mentalidad? Ronnie Carrasco III