Kylie, nag-react na sa pag-amin nina Aljur at AJ!

Kylie, nag-react na sa pag-amin nina Aljur at AJ!

February 16, 2023 @ 12:35 PM 1 month ago


Manila, Philippines- From tako ng billiard table to weapon.

Ito ang transition ni Kylie Padilla as far as hand props are concerned.

Kung billiard stick ang hawak niya sa sportserye ng GMA na Bolera ay sandata naman ang armas niya sa megaseryeng Mga Lihim ni Urduja.

Take note na kasama niya roon ang bale bayaw niyang si Vin Abrenica.

Isn’t Kylie taking out on Vin kung anuman ang mga kasalanan sa kanya ni Aljur?

On the contrary and surprisingly, hindi raw.

In fact, gusto nga ni Kylie na maging close kay Vin.

She makes it a point daw to treat her co-stars like family.

Lumalabas pa nga raw sila ni Vin kasama ang dalawang anak nila ni Aljur.

And speaking of Aljur, ano ang take ni Kylie sa ipinost nitong larawan nila ni AJ Raval sa Instagram kasabay ng pag-amin nila sa kanilang relasyon?

Doesn’t Kylie feel vindicated dahil after all ay totoo palang there’s romance between the two of them?

Matipid na sagot ni Kylie: “Honestly, I’m happy for everybody.”

How about sa mga namba-bash kay AJ na sinasabihang kabit since hindi pa naman annuled ang kasal nila ni Aljur?

Reaksyon ni Kylie: “Again, I’m happy for everybody as they’re finding their happiness. ‘Yung mga depression…the fact that a person is happy is already a blessing.”

How forgiving naman of Kylie na sa halip na ikagalit niya ang relasyon nina Aljur at AJ ay masaya pa siya to the point of being tolerant.

Dahil ba nakatagpo na rin siya ng bagong lalaking minamahal?

If so, it’s a tie! Ronnie Carrasco III