Kylie, nag-throwback sa naudlot na romansa kay Ruru!

Kylie, nag-throwback sa naudlot na romansa kay Ruru!

January 26, 2022 @ 2:58 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Naging guest ni Ruru Madrid sa kanyang vlog ang dating ka-loveteam na si Kylie Padilla.

Sa naturang vlog, inamin ni Kylie na noong magka-love team  pa sila ni Ruru ay napakalakas ng following nila na nabuo sa pagsasama nila sa fantaseryeng Encantadia.

Pagbabahagi pa niya, naudlot daw ang karera niya dahil pinili niya ang love over career.

Noong panahong pinaglalapit din daw sila bilang love team partners, pinili raw nilang dumistansya sa isa’t-isa bilang respeto na rin sa ibang tao.

“Inaamin ko naman na mali naman talaga ’yon, kung paano ako before. Kailangan ko lang dumistansya,” ani Kylie.

“Dumistansya talaga ako nu’ng time na ’yon. Kailangan kong umiwas para walang magselos. Syempre respect na lang. Natatakot na ’ko. Ayoko ng gulo both sides. Kailangan lang mag-ingat, parang respect to other people,” dugtong niya.

Sey naman ni Ruru, naiintindihan daw niya kung bakit ginawa nilang dumistansya sa isa’t-isa noon.

Iyon daw iyong panahon na pareho silang committed sa kanilang mga karelasyon.

“Naiintindihan ko nu’ng mga panahon na ’yon,” ani Ruru.

“Ang daming restrictions sa ating dalawa. Kahit sobrang effective sa TV, off-cam, I’m not saying na ’di tayo nag-uusap, pero merong wall lagi. Feeling ko, somehow, naapektuhan.

“Malaking bagay na kapag merong someone, tina-try natin pigilan sarili natin na mag-usap lalo na at baka may mag-selos, which is understandable,” pahabol niya.

Gayunpaman, nagpapasalamat daw naman sila dahil nagkatulungan sila para mag-grow bilang mga tao at propesyunal na magkatrabaho.

Happy din sila na bukod sa kanilang collab ay muli silang magsasama sa isang proyekto sa GMA-7. Archie Liao