Kylie, nagbanta, kukunsulta sa abogado!

Kylie, nagbanta, kukunsulta sa abogado!

December 7, 2022 @ 7:56 PM 2 months ago


Manila, Philippines – May dapat bang paghandaan sina AJ Raval at Aljur Abrenica?

Ito kasi ang unsolicited advice sa rumored sweethearts matapos kumalat ang tsikang pursigido umano si Kylie Padilla na kumonsulta sa isang abogado.

Si Kylie ang estranged wife ni Aljur.

Kylie’s wanting to see a legal counsel has something to do with reports that AJ allegedly gave birth to her child by Aljur.

Batay ito sa tsika ni Ogie Diaz sa kanyang online show na madaling araw daw ng November 19 ay isinilang umano ni AJ ang anak sa isang maliit na ospital sa Pasig City.

Sa hospital room daw ito nanganak, at hindi sa OR ng nasabing undisclosed hospital.

Samantala, si Aljur ay nasa loob lang daw ng sasakyan nito na naka-park sa labas.

Kagyat namang nagpost si AJ ng mga larawan showing her flat tummy na wari’y pinasisinungalingan ang balitang nanganak nga siya.

Hanggang ngayon, kapwa tikom ang bibig nina AJ at Aljur.

Dito na raw nagsuspetsa si Kylie na nagsabi sa isang kaibigan na: “I want to see a lawyer.”

Kapag nagkataon kasi, sabit pati si AJ sa kasong isasampa ni Kylie.

Inuudyukan sina AJ at Aljur na magsalita na hinggil sa tsismis. Ronnie Carrasco III