Kylie, nagsalita sa hiwalayan nila ni Jake!

Kylie, nagsalita sa hiwalayan nila ni Jake!

January 9, 2023 @ 1:30 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Nagsalita si Kylie Verzosa sa tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Jake Cuenca.

Sa panayam sa kanya sa recent episode ng The Interviewer Presents ni Boy Abunda sa YouTube ay sinabi ni Kylie na hindi rin niya alam kung ano ang naging cause ng hiwalayan.

“No one knows, `Tito Boy. To be honest, I prefer to keep it that way. Kasi, I wanna keep our relationship in the past and what we had was, I believe, beautiful,” say ni Kylie.

Kung anuman daw ‘yun ay sa kanilang dalawa na lang.

“I don`t want to tarnish anyone`s name and I don`t want to destroy it. But if would be something between just the two of us,” aniya.

Hindi raw niya masasabi na failed relationship ang nangyari sa kanila ni Jake.

“I wouldn`t want to call it na it didn`t work out, hindi ko po siya kino-consider na ganoon.”

Ang masasabi lang daw niya sa kanilang naging relasyon ay, β€œit ended.”

Maganda naman daw ang kanilang relasyon at marami silang natutunan sa isa`t-isa,

“We both helped each other in the relationship. We both benefited from the relationship. I think it was a good relationship and we learned from it. We became better people. I believe that who we are today is a contribution of that relationship,” pahayag ni Kylie. Gerry Ocampo