Kylie, nakakuha ng sandamakmak na kakampi sa palikipaghiwalay kay Aljur!

Kylie, nakakuha ng sandamakmak na kakampi sa palikipaghiwalay kay Aljur!

July 12, 2021 @ 11:14 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Umani ng maraming kakampi o sympathizer si Kylie Padilla matapos mabunyag ang hiwalayan nila ni Aljur Abrenica.

Si Kylie ang sinasabing nakipaghiwalay kay Aljur na pinakasalan niya noong February 2018.

Sinisisi ng mga Kylie supporters si Aljur na siyang sumira sa showbiz career ni Kylie, na kailangang “patayin” ang karakter sa fantasy series na Encantadia ng GMA.

Gumanap si Kylie bilang si Amihan, ang keeper ng air gem.

Kung hindi raw sana binuntis ni Aljur si Kulie, ‘disin sana raw ay hanggang sa matapos ang Encantadia ay naroon pa rin ito.

Nagkakaisang sabi ng mga netizen, “Aljur ruined Kylie’s career. Idagdag pa ang misogynist stand ng ama niyang si Robin sa pambababae ng manugang niya. We’re on your side, Kylie!”

By now, baka nakalipat na si Kylie sa bago nilang tirahan sa Fairview, Quezon City kasama ang dalawa nilang anak na sina Alas, 3 at Axl 1, habang nasa Batangas naman si Aljur kasama ang kanyang pamilya. Ronnie Carrasco III