Kylie, rumesbak sa bashers ni Robin!

Kylie, rumesbak sa bashers ni Robin!

May 14, 2022 @ 8:06 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Masaya at proud si Kylie Padilla sa ama na si Robin Padilla na nangunguna pa rin sa bilangan bilang Senator ng bansa sa katatapos na election.

Ipinost  ni Kylie sa kanyang Instagram ang pagbati sa kanyang ama. Ipinaliwanag niya na nag-research daw muna siya at  pinanood ang interview ng ama para hindi raw siya maging biased.

“I  approached  this like you  were not my dad. I did my homework. I did my research. I  did not want  to  be biased. I  watched  all  the interview and inintindi ko lahat nang sinabi mo.

“And all I can say is I cannot  wait for  you to make your dreams  a  reality,  I  support you with all my heart.

“You have always been passionate about helping people  and now you are in a position where  you can  make  a bigger  impact. I`m so happy and  proud of  you,” pahayag ni Kylie.

Alam daw ni Kylie bilang anak na mahal ng kanyang ama ang ating bansa at  mga kababayan.

“But  if  I  was  to speak as his daughter, all  I have to say  is mahal  na mahal ng tatay ko ang Pilipinas, mahal nya ang mga tao. Parte ng pagkatao niya ang tumugon. He has always been  selfless pagdating  sa mga taong nangangailangan,“ say pa ni Kylie.

Pagmamalaki pa ng aktres, “If  there  is one thing I  can  attest  to, my  father  did  not  need to become  senator  to help make change happen. He was already doing that  before all of  this.”

Nangako si Kylie na lagi siyang nandiyan para suportahan at mahalin ang ama.

“Kaya  whatever  happens after today, however busy  you  become, please  know  that  I  love you  and support  you. Congratulations @robinhoodpadilla,” pagtatapos ni Kylie.

Samantala, nagpaabot din ng kanyang pagbati ang ex-wife ni Robin na si  Liezl Sicangco.

“To the father of my children. Congratulations!!! May Allah always  protect  you and your team. Amen,” post ni Liezl  sa kanyang IG. Gerry Ocampo