Kylie, walang balak ipakulong sina Aljur at AJ!

Kylie, walang balak ipakulong sina Aljur at AJ!

August 23, 2022 @ 7:20 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Sorry na lang daw sa mga nag-uudyok at nagsusulsol kay Kylie Padilla na gumawa ng ligal na hakbang laban sa estranged husband niyang si Aljur Abrenica at kay AJ Raval na karelasyon umano nito.

Tahasang sagot ni Kylie sa mga nagbubuyo sa kanya, “Will you please stop dragging me into this?”

Marami kasi ang nagsasabi na maaari niyang papanagutin sina Aljur at AJ dahil hindi pa naman annuled ang kasal nila ng aktor.

But Kylie wouldn’t pay heed to all this.

Aniya, mas prayoridad niya ang kanyang dalawang anak kesa magsampa ng kaukulang demanda laban sa rumored sweethearts.

To think na kahit ang ama ni Kylie na si Senator Robin ay hindi naman siya inuudyukan to resort to legal means.

Sa isang banda, marami rin ang humanga sa desisyon ni Kylie na huwag nang paabutin sa korte ang usapin.

Posible raw kasing magkaroon ito ng psychological effect sa dalawang anak nila ni Aljur.

For her part perhaps, wala nang gustong habulin pa si Kylie kay Aljur.

Kumbaga, magpakasaya na lang sila pare-pareho.

There should be no room for bitterness, ‘ika nga.  Ronnie Carrasco III