Kyline at Mavy, nagpakilig ng netizens!

Kyline at Mavy, nagpakilig ng netizens!

January 12, 2022 @ 11:25 AM 7 months ago


Quezon City, Philippines – May inililihim kayang project ang mag-sweetheart na Kyline Alcantara at Mavy Legaspi na kailangan nilang mag-reenact ng mga sikat na Hollywood posters?

Halos sunud-sunod na parehong naglabas sa respective Instagrams nila ang young lovers ng re-enactment nila ng mga eksena sa posters ng mga pelikulang Titanic at Top Gun.

Ang latest re-enactment nga nila ay ‘yung mga eksena sa “Spider-Man: Nowhere To Go But Home.”

Siyempre pa ang mga eksenang niri-re-enact nila ay ‘yung mga romantic na nagpapakilig ng fans nila. With matching costumes and backdrop ang mga pictorial nila. Expensive at social na pictorial.

Ginagastusan ba nila ng sariling pera nila ang mga pictorial na ‘yon para lang mapakilig ang fans nila? Ang sweet nila sa fans nila, kung ganu’n!

Bukod sa intimate poses nila sa pictorial, nilalagyan din nila ng pa-cute na mga caption ang mga eksena nila.

For instance, para sa pictorial nila ng Spider-Man 2, ganito ang captions nila:

Mavy: “You be the Mary Jane, i’ll be your Peter Parker. (spider emoji).”

Kyline: “Found my spidey.”

Pampakilig din sa fans nila ang vlog ni Kyline, kung saan inamin n’ya recently ang relasyon nila ni Mavy.

Pagbubunyag ni Kyline tungkol sa relasyon nila: “It’s like friendship na relationship. Kung ano meron kami ngayon, it’s really our own…”

As to what she likes most about Mavy, she said, it is “the fact that he’s always there even though ilang beses ko siya pinu-push away. Kung alam niyo lang, he’s always there.”

Mavy was also quick to answer this question: “Kailan mo na-realize na gusto mo na jowain si Kai?”

He answered: “May event kami pinuntahan ni Cassy, tapos kasama si Ky. Tapos nandu’n ‘yung Honne and after that, tumibok na yung puso ko.” Danny Vibas