Kyline, bagong Korean ambassador sa bansa!

Kyline, bagong Korean ambassador sa bansa!

May 3, 2022 @ 3:42 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dream come true para kay Kyline Alcantara na mapiling official Korean ambassador ng Pilipinas.

Bago si Kyline, naging ambassador din sina Jessy Mendiola at Sue Ramirez.

Ayon sa 19-year old Kapuso star, nilapitan daw siya ng Korea Tourism Organization (KTO) para i-promote ang Ganda Korea ad campaign.

Tamang- tama naman dahil mula pa raw noong 11 years old si Kyline ay sinusubaybayan na niya ang Hallyu fever o Korean wave.

Fan siya ng Korean pop culture, fashion at mga artista nito.

Sa katunayan, Kyline can’t wait to meet Lee Min Ho at iba pang sikat na Korean celebrities.

Looking forward si Kyline na bisitahin ang mga magagandang tanawin doon na napapanood niya sa mga Koreanovela.

At may iba pa ba siyang gustong karayin sa Korea?

Ito’y walang iba raw kundi ang kanyang real-life sweetheart na si Mavy Legaspi.

Sa tanong kung bakit ay dahil pareho raw pala sila ni Mavy na fan ng Korean fashion.

“Saka mahilig kaming kumain kaya ang taba ng cheeks namin!” sey ni Kyline who obtained her appointment dahil sa kanyang talento.

Talbog! Ronnie Carrasco III