Kyline sinabihang bano umarte, pumalag

Kyline sinabihang bano umarte, pumalag

February 16, 2022 @ 9:00 AM 4 months ago


Manila, Philippines – Her last vlog shows Kyline Alcantara reading hate messages addressed to her on social media.

Pero ang hindi pinalampas ni Kyline ay ang mga komentong hindi raw siya marunong umarte.

Agad dumepensa ang young actress sa sarili.

“It’s about how I look but how I feel,” na ang ibig sabihi’y wala raw siyang pakialam kung sa mga mabibigat na eksena’y pumapangit siya ‘pag umaakting na.

Katwiran ni Kyline, taliwas daw ‘yon sa mga feedback na natatanggap niya mula sa mga co-actors na nakakasama niya.

Sa katunayan, hinahangaan siya ng mga ito when it comes to acting.

Nakaka-enhance din ng acting ni Kyline ay ‘pag kasama niya sa trabaho ang ka-loveteam na si Mavy Legaspi.

Let’s face it, may ibubuga rin sa aktingan ang binata nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi. Ronnie Carrasco III