Kyrgios pasok na sa semifinals ng Wimbledon

Kyrgios pasok na sa semifinals ng Wimbledon

July 7, 2022 @ 3:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umusad na sa semifinals ng Wimbledon si Nick Kyrgios nang taluni si Cristian Garin ng Chile.

Ayon sa ulat, ito ang unang Grand Slam semifinals ng Australian tennis player nang makuha ang 6-4, 6-3, 7-6(5) panalo.

Aminado ang world number 40 na hindi niya akalain na makaabot pa siya sa semi-final ng Grand Slam.

Haharapin nito ang mananalo sa pagitan nina Rafael Nadal o Taylor Fritz para sa finals.JC