Kyrie ‘di lalaro vs Lakers, kahit tapos na ang suspensiyon

Kyrie ‘di lalaro vs Lakers, kahit tapos na ang suspensiyon

November 13, 2022 @ 10:26 AM 2 weeks ago


LOS ANGELES — Hindi maglalaro si Brooklyn guard Kyrie Irving sa Linggo (Lunes, oras sa Maynila) laban sa Los Angeles Lakers, ang una sana  niyang pagbabalik matapos siyang suspindihin ng Nets dahil sa pagtanggi niyang sabihing wala siyang antisemitic na paniniwala.

Sinabi ni Coach Jacque Vaughn noong Sabado (Linggo, oras sa manila) na hindi maglalaro si Irving, ngunit hindi nagbigay ng iba pang mga update.

Tinalo ng Nets ang Clippers at nanatili sa Los Angeles para laruin ang Lakers. Ipinagpatuloy nila ang kanilang road trip sa mga laro sa Sacramento at Portland.

Sinabi ng Nets nang sinuspindi nila si Irving nang walang bayad noong Nob. 3 na hindi i bababa sa limang laro at sinabing “hindi siya karapat-dapat” na makasama sa koponan at hindi pababalikin hangga’t hindi niya naayos ang kanyang problema.

Si Irving ay humingi ng paumanhin sa social media para sa pag-post ng isang link para sa isang pelikula na naglalaman ng antisemitic na materyal sa kanyang pahina sa Twitter, at para sa hindi pagtukoy ng mga paksa dito na hindi niya sinang-ayunan.

Parehong sinabi ng may-ari ng Nets na si Joe Tsai at NBA Commissioner Adam Silver nitong mga nakaraang araw na nagkita sila ni Irving at hindi naniniwalang antisemitic siya.JC