KZ Tandingan kakantahin ang kauna-unahang Disney Filipino song

KZ Tandingan kakantahin ang kauna-unahang Disney Filipino song

March 2, 2021 @ 5:33 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Napili si KZ Tandingan na kakanta ng kauna-unahang Disney Filipino song sa animated film na “Raya and the Last Dragon.”

“I grew up watching Disney movies. Finally, there is a Disney Princess who I can feel a very strong connection to, and that is Raya as the first one inspired by Southeast Asia,” ani Tandingan.

Ayon sa Disney Philippines ang kantang “Gabay” ay patungkol sa tiwala, lakas, at pagkakaisa.

“I love that the song reminds us that sometimes we feel we are weak, especially when we are alone, but if we just learn to trust each other, to come together, and to unite, only then are we able to change the world,” lahad ni KZ.

Ilulunsad ang “Gabay” sa Spotify sa Marso 5.

Ang animated film na “Raya and the Last Dragon” ay inspired sa mga prinsesa at mandirigma sa Southeast Asia.

May impluwensya ito ng kultura ng Pilipinas, Vietnam, Thailand, Laos, Cambodia, at Malaysia.

Ito ay patungkol paglalakbay ni Raya upang matuklasan ang huling dragon na si Sisu upang buhayin muli ang pagkakaisa sa Kumandra, isang fantasy world kung saan namumuhay ang mga tao kasama ang mga dragon.

Ang “Raya and the Last Dragon” ay ipalalabas sa mga sinehan sa bansa sa ngayong buwan. RNT/ELM


  •  
  •  
  •