13,856 MT imported galunggong dumating na – BFAR

January 27, 2023 @7:13 AM
Views: 5
MANILA, Philippines – Dumating na sa bansa ang 55% o 13,856.64 ng 25,056.27 metric tons (MT) ng galunggong na inangkat mula noong Nobyembre 2022 bago ang pagpapatupad ng tatlong buwan na closed fishing season sa Palawan.
Sa pahayag ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) nitong Huwebes, Enero 26, ang importasyon ng frozen round scad, bigeye scad, mackerel, bonito, at moonfish para sa mga palengke ay naaayon sa certificate of necessity to import na pinirmahan ng DA noong Nobyembre 10, 2022 at iiral hanggang Enero 31, 2023.
Matatandaan na pinayagan ng BFAR ang pag-aangkat para matugunan ang suplay ng galunggong na inaasahang ninipis dahil sa limitadong suplay nito sa implementasyon ng closed fishing season sa Palawan.
Sa kabila ng nagpapatuloy na implementasyon ng closed season, nananatili ang presyo ng galunggong kung saan ang lokal na isda ay nasa P280 kada kilo habang anf imported ay nasa P220 kada kilo hanggang P240 kada kilo.
Sinimulan ang closed fishing season sa Hilagang-Silangan na bahagi ng Palawan noong 2015 sa ilalim ng joint DA at Department of Interior and Local Government Administrative (DILG) Order 1 na nagbibigay ng sapat na panahon sa mga isda na makapagparami.
Ipinatutupad ang closed fishing season mula Nobyembre 1, 2022 hanggang Enero 31, 2023.
Mula nang ipinatupad ito noong 2015, nakakatanggap ng positibong resulta ang DA-BFAR kaugnay sa produksyon ng galunggong.
Nitong 2021, naitala ng National Stock Assessment Program (NSAP) ang annual catch na 1,146 MT na mas mataas sa 453.89 MT annual catch noong 2015.
“Throughout the closed fishing season, DA-BFAR’s regional office in Palawan conducted continuous patrol operations in the conservation area,” ayon sa ahensya. RNT/JGC
Aral ng Holocaust ituro, ‘wag kalimutan – VP Sara

January 27, 2023 @7:00 AM
Views: 15
MANILA, Philippines – Hinimok ni Vice President Sara Duterte nitong Huwebes, Enero 26 ang mga kabataan at susunod pang henerasyon na huwag kalimutan ang mga aral na iniwan ng Holocaust kung saan milyon-milyong European Jews ang pinatay ng Nazi Germany sa pagitan ng 1930s hanggang 1940s
Ang mensaheng ito ni Duterte ay kasabay ng paggunita sa International Holocaust Remembrance Day kasama si Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss sa Central Office ng Department of Education
Kasabay ng naturang program, anim na kandila ang sinindihan bilang pag-alala sa anim na milyong Hudyo na pinatay noong Holocaust.
We must not forget the names and faces of the victims, the families torn apart, and the communities destroyed. We must remember so that we may never forget the dangers of hate and intolerance,” mensahe ni Duterte.
“We are responsible for ensuring that the lessons of the Holocaust and the stories of its survivors are passed on to future generations. We must ensure that these stories are not lost so we can learn from them and prevent such atrocities from happening again,” dagdag pa niya.
Nagpasalamat naman si Fluss kay Duterte sa pag-alala nito at pangako na ituturo ang mga aral ng Holocaust sa mga kabataan sa bansa.
“I thank you Vice President and Secretary of the Department of Education Sara Duterte-Carpio and your team for being our partner for leading and organizing this commemorative event and for making this day a formal day of commemorating the Holocaust in all DepEd schools and facilities,” aniya.
Pinuri din niya ang Open Door Policy ni dating Pangulong Manuel Quezon, na nag-alok ng asylum sa mga Hudyo.
“The Philippines is a shining light. President Quezon welcomed over 1,300 Jewish refugees into the Philippines in 1939,” ani Fluss. RNT/JGC
Rabiya binida ang bahay na naipundar!

January 27, 2023 @6:45 AM
Views: 13
Manila, Philippines – Having a house is any celebrity’s dream para sa kanyang pamilya.
This early in her showbiz career, nagkaroon na ng katuparan ang pangarap ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo for her family.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na si Rabiya ang breadwinner sa kanilang pamilya.
In her post, makikitang nag-a la standupper ang TikTok Clock host habang ibinibida ang bahay na naipundar niya for her family.
Sa kanyang home province sa Iloilo ang location ng two-storey property in what looks like an exclusive subdivision.
Nasa harap si Rabiya ng mismong bahay sa tila lugar kung saan kokonti pa lang ang mga nakatayong bahay.
Hindi naiwasan ng beauty queen-turned-actress na maging emosyunal with her unrehearsed spiels.
Aniya, naalala raw niya noong umuupa lang sila ng kanyang pamilya sa probinsya.
“Palipat-lipat kami noon at walang permanent address,” she reminisced.
Medyo bare pa ang bahay as in wala pang gaanong gamit sa loob.
“But in the months to come, uunti-untiin kong pagandahin ang bahay na ito. I thank God because He has been so good to me,” dagdag niya.
May panawagan din siya sa mga tulad niyang breadwinner, “Mahirap din namang may mga taong umaasa sa atin, but use that drive to strive harder.”
Kinongratyuleyt naman si Rabiya ng co-host niyang si Pokwang for her achievement.
Maging ang predecessor niyang si Shamcey Supsup posted, “Congats. Stay grounded. Remember what I told you.”
Hindi na kami magtataka kung ang sumunod na ipupundar ni Rabiya ay bahay naman sa Maynila for her family to stay and come home to pag nagbakasyon sila rito.
Imagine, barely three years pa lang si Rabiya sa showbiz, may investment na?
Isn’t she worthy of emulation? Ronnie Carrasco III
Ilang lugar sa Luzon, Visayas uulanin sa shear line, amihan

January 27, 2023 @6:30 AM
Views: 21
MANILA, Philippines – Magpapaulan na naman sa ilang lugar sa Luzon at Visayas ang shear line at northeast monsoon o amihan.
Ito ay ayon sa ulat ng PAGASA nitong Biyernes, Enero 27
kung saan ang Eastern Visayas, Aklan, Capiz, Albay, Masbate, Sorsogon, Catanduanes, Palawan, at Romblon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa shear line.
Maulap na kalangitan rin na may mga pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Bicol Region, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, at Marinduque dahil naman sa northeast monsoon.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan at mahihinang pag-ulan dahil din sa amihan, habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay may maulap na kalangitan at isolated rainshowers o thunderstorms dulot ng localized thunderstorms. RNT/JGC
PSA: Bilang ng isinilang, namatay bumaba; nagpakasal, dumami mula Jan. ‘gang Sept. 2022

January 26, 2023 @7:30 PM
Views: 65