La Niña tatagal pa ‘gang Mayo – PAGASA

La Niña tatagal pa ‘gang Mayo – PAGASA

January 31, 2022 @ 9:12 AM 8 months ago


MANILA, Philippines — Maaaring tumagal pa ang nararanasang La Niña hanggang Abril, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration.

Sa paliwanag ng weather bureau, ang “La Niña” ay isang weather phenomenon na kinabibilangan ng malamig na ocean surface temperatures sa central at eastern equatorial Pacific.

Nagsimula ang La Niña noong Oktubre 2021 kung saan napalakas nito ang mga dumaang klima sa bansa.

“Maaaring magtagal ang La Niña hanggang sa April 2022 and pagsapit po ng Mayo ay maaari na ring bumalik sa neutral conditions,” ani PAGASA weather specialist Benison Estareja.

“So, ibig sabihin po, sa susunod na tatlong buwan ay posible pa ring makaranas ang majority ng ating bansa ng higit sa normal na dami ng pag-ulan,” dagdag pa niya.

Sa Pebrero, makararanas ang ilang parte ng Mindanao at Eastern Visayas ng above normal rainfall, ani Estareja.

Habang ang rainfall level na mas mababa sa normal sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Occidental Mindoro, at Palawan.

Mula Pebrero hanggang Mayo, inaasahan naman na isang bagyo kada buwan ang papasok sa Philippine Area of Responsibility, dagdag pa ng weather specialist. RNT