La Oro, first time binayaran bilang Marcos loyalist!

La Oro, first time binayaran bilang Marcos loyalist!

July 25, 2022 @ 3:18 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Patuloy na pinag-uusapan ang pelikulang Maid In Malacañang. Actualy, madalas na trending ang pelikula bago pa man ito magsimula sa production.

Nakakuha rin ito ng mainit na pagtanggap sa social media matapos ibahagi ni Darry Yap, na siyang nagdirek at sumulat nito, na gagawin na niya ang naturang proyekto na palabas na sa August 3 sa mga sinehan, nationwide.

Bibida rito ang ilan sa pinakamagagaling at hinahangaang artista sa bansa na sina Cesar Montano at Ruffa Gutierrez na gaganap bilang sina President Ferdinand Marcos, Sr. at First Lady Imelda Marcos.

Tampok din ang premiere stars ng Viva na sina Cristine Reyes, Diego Loyzaga at Ella Cruz na gaganap naman bilang mga anak- sina Imee, Bongbong at Irene. Kasama rin dito sina Karla Estrada, Beverly Salviejo, at Elizabeth Oropesa.

Sa ginanap na presscon ng Maid In Malacañang sa Manila Hotel recently, naitanong sa casts kung ano ang impression nila sa mga Marcos bago ginawa ang naturang pelikula?

Dito’y nabanggit ng award-winning actress na si Elizabeth na 36 years na siyang Marcos loyalist at ngayon lang siya nakatikim ng bayad.

Esplika niya, “Ako naman po, hindi ko na rin naman siguro kailangang sabihin kung ano iyong impressions ko sa mga Marcoses, kasi tatlumpu’t anim na taon ko na po silang minamahal, sinusundan.”

Saad pa ng veteran actress, “At ito po ang first time na may bayad ako bilang Marcos Loyalist. Salamat Boss Vic (del Rosario), salamat po sir Vincent (del Rosario), totoo po iyan.”

Pahabol pa ni Ms. Elizabeth, “At saka idinede-dedicate ko ito, itong pelikula mo Direk (Darryl) para kina Rio Diaz at Alona Alegre na mga die hard loyalists na yumao na… na mga walang bayad, na ayaw maniwala ng mga taong walang puso. Iyon lang po, and sorry…”

Ang kuwento raw ng Maid In Malacañang ay hindi ginawa para baguhin ang kasaysayan, ibabahagi lang nito ang buong katotohanan. Ito ay isang family drama movie tungkol sa last 72 hours ng mga Marcos sa loob ng palasyo bago lumipad papunta sa Hawaii noong 1986 People Power Revolution.

Panahon na para ang mga Marcos naman ang magkuwento ng totoong mga nangyari sa kanilang pamilya sa mga huling araw nila sa palasyo, kuwentong ngayon pa lang maririnig at malalaman ng lahat.

Mula sa Viva Films, mas kilalanin pa ang world-famous First Family mula sa kuwento ng taong naging bahagi ng kanilang pribadong pamumuhay. Nonie Nicasio