LA Santos, aminadong nami-miss si Janella Salvador!

LA Santos, aminadong nami-miss si Janella Salvador!

February 3, 2023 @ 9:46 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Ngayong tapos na ang Darna sa Kapamilya network ay aminado ang singer/actor na si LA Santos na nami-miss niya ang kanyang showbiz crush at nakasama sa serye na si Janella Salvador.

Si Janela ang pinaka-close ni LA sa Darna serye dahil kay Janela raw siya nagkaroon ng connection.

Birong may halong katotohanan nga ni LA, “Kung liligawan ko si Janella, ang swerte naman niya.”

FYI ay nagsama sina Janella at Markus Patterson at nagkaroon sila ng anak, si Baby Jude.

“Okay lang naman ako maging instant daddy lalo na, ninong ako ng anak ni Janella,” biro ulit ni LA.

Pero aminado naman siya na nami-miss niya si Janella.

Si Jane de Leon ang bida sa Darna at marami ang nagsasabi na may chemistry sila kung bibigyan sila ng chance na magsama sa isang serye.

“Siguro, kailangan ko pang mas magtrabho if ever. And kung may chemistry talaga kami ni Jane, okay ako na maka-loveteam siya. Sabi nga nila, magkakilay daw kami ni Jane kaya pwede.

“Sana maka-work ko ulit si Jane someday,” sabi pa ni LA.

Naging maganda ang year 2022 kay LA at natupad na nga ang halos lahat ng kanyang wish last year. Paano na ang lovelife?

“Ang lovelife last ‘yun sa priorities ko ngayon.”

Marami pa naman daw ang nagpapakilig kay LA sa ngayon lalo na sa mga kaibigan at family niya na nagke-care talaga sa kanya ng todo.

Anyway, after Darna ay meron agad siyang movie na gagawin with the Diamond Star Maricel Soriano

“Ang sexy nga ngayon ni Inay and siguro, siya na nga ang showbiz mommy ko. Feel ko nga, si Inay ang magpapalabas ng acting ko lalo na at mommy ko siya sa movie,” kwento ni LA.

Sa ngayon, mas gusto ni LA na i-build up pa ang sarili sa acting. Mas na-enjoy kasi niya ang acting kesa sa pagkanta.

Congrats din pala kay LA na nanalo ng Best New TV Personality sa recently concluded 35th Star Awards for TV.

“Di pa ako maka-get over sa award ko, thank you sa PMPC,” sabi pa niya. JP Ignacio