LA Santos, nagpasalamat sa pandemya!

LA Santos, nagpasalamat sa pandemya!

November 22, 2022 @ 3:46 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Ang unang serye na ginawa ng singer-actor na si LA Santos ay ang Ang Sa Yo Ay Akin, mula sa ABS-CBN, na pinagbidahan nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria.

Natutuwa si LA na may natutunan siya sa mga nakasama niya sa nasabing serye.

Sabi ni LA, “Actually, dahil po sa pandemic, du’n nag-start ang acting career ko.

“Du’n po ako sobrang forever grateful, eh, sa Ang Sa ‘Yo Ay Akin.

“Kasi du’n ko po nakasama sina tita Maricel (Soriano), si Miss Iza, Miss Jody, si Sam (Milby). Parang dahil sa kanila, nakita ko po kung paano dapat ang ugali ng isang artista.

“Lalo na si Miss Iza, love,love lang po talaga si Miss Iza.

“Natutunan ko po sa lahat ng mga taong nakasama ko po, sa lahat ng mga nakahalubilo ko po, na dapat i-share yung love.”

Noong una, ang talagang pangarap lang ni LA ay makilala bilang isang singer. Na gaya rin ng gusto ng kanyang mommy Flor para sa kanya.

Ipinaliwanag ni LA kung bakit naisipan na rin niyang subukan ang pag-arte.

“Actually, nu’ng una nga po medyo nagdadalawang-isip pa ako sa acting.

“Pero nu’ng pumasok na ako sa acting, na-inlove po ako. Sobra!

“Na-inlove po ako, na parang napunta ako sa ibang mundo.Parang ganoon po.”

Pagkatapos ng Ang Sa Yo Ay Akin, inilagay naman ng ABS-CBN si LA sa Darna, na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Sobrang thankful din siya siyempre na napasama siya sa Darna.

Kumusta naman ang samahan nila sa set ng Darna?

“Sobrang family po kami sa Darna,” sagot ni LA.

“‘Pag naiisip ko nga po ang Darna, parang naiiyak ako.

“Kasi ang naa-appreciate ko kina Jane, Joshua (Garcia), Janella (Salvador), ‘yung parang ano po, parang nagtutulungan kami paangat.

“Wala kang mararamdaman na mas mataas si ganyan. Lalo na si Janella, parang sister na kami.”

Ang ibig sabihin ni LA sa sinabi niya na wala siyang nararamdamang mataas sa mga kasama niya sa Darna, ay kahit malalaking artista ang mga ito, ay walang may star complex. Rommel Placente