La Union bukas na sa turistang mula NCR+

La Union bukas na sa turistang mula NCR+

June 3, 2021 @ 7:12 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Binuksan na ang La Union sa mga turistang manggagaling sa NCR+, batay sa ulat.

Sa kabila nito, patuloy ang paalala ng La Union Hotel Resort and Restaurant Association (LUHRRA) sa mga turista na gampanan ang mga sumusunod na kailangan:

  • Dapat mayroong travel agent mula La Union

  • Dapat mag-log -in sa tarana.launion.govt.ph para sa travel request

  • Dapat ay negatibo sa RT-PCR test o saliva test na kinuha 72 oras bago ang paglalakbay

“Madami na pong tumatawag, madami na rin pong nag-aapply using the TaraNa app. Meron na kaming almost 1,000 na inquiries doon and most of them ay nagkaroon na rin po ng approval,” ani LUHRRA president Crestine Lucman.

Inihahanda na rin para sa pagtanggap ng turista ang mga restaurant at resort na accredited ng Department of Tourism.

Mayroon na ring mga nakapaskil na paalala sa health protocols at markers sa check-in areas upang maiwasan ang siksikan.

Hindi rin papayagan ang surfing instructor at kanyang estudyante na magkalapit.

Habang ang mga dadaan naman sa checkpoint ay dapat magpresenta ng RT-PCR test result at QR code na nagpapatunay na nakapagparehistro na sila sa local government. RNT/FGDC