Laban sa Saudi Arabia niluluto na ni Pacquaio

Laban sa Saudi Arabia niluluto na ni Pacquaio

September 7, 2022 @ 12:02 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nais umano ni dating eight division world champion  at Senator Manny Pacquiao na lumaban sa isang exhibition fight na gagawin sa Kingdom of Saudi Arabia sa Enero.

Matatandaang nagretiro si Pacquiao sa pagboboksing noong nakaraang taon upang lumaban sa eleksyon para sa pinakamataas ng posisyon sa bansa.

Ayon sa insider, nakikipag-usap ang 43-taong-gulang na si Pacquiao upang magsagupa sila ng dati niyang sparring partner na Pranses na si Jaber Zayani sa Riyadh.

“We will just start discussions,” sabi ni Pacquiao, na kasalukuyang naghahanda para sa exhibition fight nito kontra sa isang South Korean YouTuber.

Matatandaang tinapos ni Pacquiao ang kanyang 26-taong makulay na karera sa boksing nang matalo kontra kay Cuban Yordenis Ugas noong Agosto 2021 at, gayundin ang pagiging dating senador, matapos nabigo ang bid sa unang bahagi ng taong ito upang maging presidente ng kanyang bansa.

“I will prepare in the same way I train for a real fight,” sabi ni Pacquiao tungkol sa kanyang charity match laban sa martial arts YouTuber na si DK Yoo noong Disyembre 10 sa Seoul.

Walang itinakdang weight limit sa laban na tatagal na anim na round at sinisiguro dehado si Pacquiao sa laki at bigat kontra kay Yoo.

Ayon sa ulat, si Yoo ay may higit sa 650,000 subscriber sa YouTube, kung saan itinataguyod niya ang kanyang self-styled form ng martial arts na tinatawag na “warfare combat system”.

“Alam kong hindi ako mananalo laban sa kanya pero I will try my best to surprise Manny Pacquiao,” Yoo said previously.

Karamihan sa kikitain ng laban ay idodonate sa muling pagtatayo ng mga tahanan sa Ukraine na sinalanta ng labanan, sinabi ng mga organizer.

Makakasama si Pacquiao sa laban ang iba pang mga retiradong boksingero na nakipagsapalaran sa exhibition circuit.

Tinalo ni Floyd Mayweather, na tinawag ang kanyang sarili na “pioneer of exhibitions”, si YouTuber Logan Paul sa isang laban noong nakaraang taon at pinatalsik ang Japanese kickboxer na si Tenshin Nasukawa sa loob ng dalawang minuto noong Disyembre 2018.

Si Mayweather, ang karibal ni Pacquiao mula sa kanilang mga araw sa boksing, ay lalaban sa Japanese mixed martial arts star na si Mikuru Asakura sa Japan sa huling bahagi ng buwang ito.JC