PH embassy nagbabala sa mga OFW vs lethal Israel raid

January 28, 2023 @12:00 PM
Views: 8
MANILA, Philippines- Nagbabala ang Philippine embassy sa Israel sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na maging mapagbantay sa gitna ng lethal raid sa West Bank, Israel kung saan ilang Palestinians ang nasawi at nagtamo ng sugat.
Sa Facebook post nitong Huwebes, pinaalalahanan ang OFWs na umiwas sa ilang lugar hanggang Enero 28.
Kabilang dito ang West Bank, mga lugar sa Jerusalem, Golan Heights at borders ng Lebanon at Gala.
Batay sa Palestinian Ministry Head,naiulat na napatay ng Israeli forces ang 10 at nasugatan ang ilang Palestinians sa isang refugee camp sa West Bank ng Jenin nitong Huwebes.
Ayon sa Israeli security forces, isinagawa ang raid para mahuli ang “terror squad belonging to the Islamic Jihad terror organization,” na nagresulta sa pagkakapatay sa tatlong “terrorists.”
Inabisuhan ng Philippine Embassy sa Israel ang OFWs na umiwas sa Israeli security forces sa conflict areas at huwag magrecord ng kahit ano.
Nag-post din ito ng emergency hotlines sakalaing kailanganin ng tulong ng OFWs.
Samantala, hinikayat ang OFWs na umiwas sa pagpunta sa matataong lugar at maging maingat sa pagsakay sa public transportation. Pinaalalahanan din sila na sumunod sa utos ng Israeli security forces at ng Home Front Command.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs na hinihintay pa nito ang ulat upang matukoy kung may Pilipinong apektado sa raid sa Israel kamakailan. RNT/SA
Alternatibong ruta para sa maaapektuhan ng road reblocking sa NCR, alamin

January 28, 2023 @11:48 AM
Views: 13
MANILA, Philippines- Hinikayat ang mga motorista na maaapektuhan ng road reblocking operations sa tatlong iba’t ibang kalsada sa National Capital Region na dumaan sa alternatibogn ruta, bilang paghahanda sa mabigat na daloy ng trapiko.
Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa social media posts nitong Biyernes ng gabi na kukumpunihin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tatlong partikular na segments mula alas-10 ng gabi ng Biyernes hanggang alas-5 ng umaga sa Lunes.
-
C-5 service roads in Pasig City – along Pasig Boulevard, Barangay Bagong Ilog near Rizal Medical Center; and along Julia Vargas Avenue corner Lanuza Avenue, Barangay Ugong near Valle Verde 5
-
Cloverleaf (Chainage 000-Chainage 234) going to North Luzon Expressway (NLEx)
-
Edsa southbound (Balingasa Creek to Oliveros Footbridge) in Quezon City
“The DPWH will undertake reblocking and repairs, on the following roads starting 11pm tonight, January 27 until 5am of January 30. Motorists are advised to take alternate routes,” anang MMDA.
Iminungkahi ng MMDA na ang southbound motorists na maaapketuhan ng roadworks sa Pasig City ay pwedeng mag- left turn sa Lakewood Drive diretso sa E. Mejia Street, bago bumalik sa C-5. Samantala, ang northbound vehicles naman ay pwedeng dumaan sa U-turn slot sa ilalim ng Bagong Ilog Flyover.
Para naman sa mga kailangang dumaan sa NLEx northbound side mula Quezon Avenue, pwedeng dumaan sa Sgt. Rivera Street sa Quezon City bago mag-right turn sa A. Bonifacio Avenue, patungong Balintawak Toll Plaza.
Para naman sa mga manggagaling sa Caloocan City, maaaring dumaan sa A. Bonifacio Avenue sa 5th Avenue, sa Rizal Avenue. Pwede ring dumaan ang mga motorista sa NLEx’ Harbor Link northbound exits sa C-3 road, patungong Smart Connect interchange sa Valenzuela City. RNT/SA
Winwyn, may cryptic post sa pag-amin ni Alden!

January 28, 2023 @11:37 AM
Views: 17
Manila, Philippines – May cryptic message o matalinhagang mensahe si Winwyn Marquez na tinataya bilang reaksyon niya sa pag-amin ni Alden Richards na muntik na silang magkatuluyan bilang magnobyo.
Ito ang naging confession ng Asia’s Multimedia Star nang maging panauhin sa Fast Talk with Boy Abunda nitong January 25.
It was the show’s third episode that piloted nitong January 23.
Bukod kay Winwyn, inamin ni Alden na naudlot din daw ang sa kanila ni Julie Ann San Jose, na personal niyang inihingi ng tawad.
Kaagad namang nagpost si Winwyn sa social media na tila may kinalaman sa admission ni Alden.
Mensahe ng Reina Hispanoamericana 2017: “In life, only three things matter: how much you loved, how gently you lived and how gracefully you let go of things not meant for you.”
Matatandaang Alden and Winwyn were an item during the first quarter of 2019.
Namataan pa silang magkasama nang buksan ni Alden ang pag-aaring branch ng McDonald’s sa Biñan City, Laguna.
Pero sa artikulong inilathala ng PEP noong May 2019, pinabulanan ni Winwyn ang tsismis.
Aniya, matagal na silang magkaibigan ni Alden na kilalang sweet at mabait sa sinumang babaeng malapit sa kanya.
Nilinaw rin ni Winwyn na that time ay hindi pa raw siya handang makipagrelasyon uli as she had just come from a breakup with Mark Herras.
As we all know, may anak na ngayon si Winwyn sa kanyang non-showbiz boyfriend na kababata at dating kaeskuwela sa grade school.
Samantala, inamin din ni Alden na pitong taon din silang hindi nagpansinan ni Julie Ann until they had a private talk para mag-sorry siya rito.
Alden had the guts for owning up to his mistake na iniwan niya ang Limitless Star sa ere.
‘Yun daw ay dahil mas gusto raw muna niyang mag-focus sa kanyang showbiz career.
After Winwyn’s cryptic message, inaabangan ng mga netizens ang reaksyon naman ni Julie Ann sa ginawang pag-amin ni Alden that they almost ended up together.
Aminin na rin kaya ni Julie Ann ang tunay na score sa kanila ni Rayver Cruz? Ronnie Carrasco III
Dagdag-singil sa tubig, kasado ngayong Enero

January 28, 2023 @11:34 AM
Views: 13
MANILA, Philippines- Inaasahang tataas ang singil sa tubig simula ngayong Enero 2023 at magpapatuloy sa susunod na limang taon para mabayaran ang gastos sa pagsasaayos ng serbisyo.
Ayon sa ulat nitong Biyernes, magdaragdag ang Manila Water customers nf P8.04/m3 charge simula ngayong Enero, na patuloy na madaragdagan hanggang umabot ng P20.37 sa 2027.
Nangangahulugan na ang mga kumokonsumo ng 20 cubic meters ay magbabayad ng P425.
Samantala, para sa Maynilad customers, magkakaroon ng dagdag na P3.29/m3 charge simula ngayong Enero hanggang umabot sa P13.69 sa 2027.
Aabot sa P509.11 ang halaga ng 20 cubic meters.
“We need to ensure the reliability of service,” pahayag ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) chief regulator Atty. Patrick Ty.
Makasisingil ng P181 bilyon ang Manila Water mula sa karagdagang charges, habang makakukuha ang Maynilad ng P163 bilyon.
Subalit, makatatanggap ng refund ang mga customer kapag hindi nagampanan ng water concessionaires ang serbisyo nito.
“Ino audit po natin sila at chine-check natin na only those that are prudent expenses can be recovered sa ating water tariff,” pahayag ni Ty. RNT/SA
Taas-singil sa kuryente, nakaamba sa Malampaya maintenance shutdown

January 28, 2023 @11:20 AM
Views: 23