Labi ng pinatay na OFW sa Kuwait, iuuwi na

Labi ng pinatay na OFW sa Kuwait, iuuwi na

January 27, 2023 @ 9:23 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaasahang iuuwi na sa bansa ngayong araw, Enero 27 ang labi ng Pinay housewold worker na brutal na pinatay ng 17-anyos na anak ng kaniyang amo sa Kuwait.

Ito ang sinabi ni Foreign Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega sa press briefing nitong Huwebes, Enero 26 kung saan sinagot na umano ng employer ng biktima na si Jullebee Cabilis Ranara, ang mga gastusin sa pag-uuwi ng labi nito sa bansa.

Matatandaan na nakita noong Linggo, Enero 22 ang bangkay ni Jullebee na ayon sa ulat ay hinalay, nabuntis at sinagasaan pa ng suspek.

Nasa kamay naman na ng mga awtoridad ang binatilyong suspek na anak ng amo ng biktima.

Hindi naman na nagbigay ng iba pang impormasyon si De Vega bulang respeto umano sa pamilya ni Jullebee.

“The embassy is obtaining official confirmation from Kuwaiti authorities on the details and tragic circumstances surrounding the death of Ms. Ranara that were reported in English and Arabic news media in Kuwait,” pahayag ng DFA.

Nagpasalamat naman ang DFA sa mabilis na aksyon ng Kuwaiti Police.

“We have an embassy funded lawyer on retainer, who handles not just this case but all cases of Filipino migrant workers in Kuwait. He has been assisting the ambassador and vice consul in discussions with the Kuwaiti prosecutor in the pursuit of justice for Jullebee,” sinabi naman ni De Vega.

“The Department of Migrant Workers (DMW) announced that they are hiring a lawyer or they have hired a lawyer. We will give way to them if that is the case,” dagdag niya.

Sinabi pa ng DMW na tutulong umano ang pribadong abogado sa public prosecutors lalo’t menor de edad pa ang suspek.

“The suspect is a minor. Well, that’s exactly the reason why we are retaining our legal services to be able to navigate ‘yung criminal justice system sa Kuwait,” pagbabahagi ni DMW spokesperson Toby Nebrida.

“Mabilis naman ‘yung, for example, ‘yung arrest ano and then ‘yung nahanap ‘yung remains in less than 24 hours after she was reported missing wala kaming nakikitang hadlang doon sa coordination work that is being done,” dagdag niya.

Siniguro naman ang pagkakaloob ng death benefits, insurance, at educational scholarships sa apat na anak ni Ranara na bahagi ng benepisyo na ibibigay ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). RNT/JGC